Aug. 30, 2023 Panaginip
Kaganapang walang ganap Naglalaho sa isang iglap Bago maglaho'y dapat naisulat Sa iyong pag mulat, limot ang lahat
Sari saring kaganapan Ibat ibang lugar Ibat ibang tao Ito ba ay totoo
Ulan
Maliliit na buti ng tubig Bumabagsak mula sa langit kung kaunti ay kaakit akit kung malakas ay nakakatakot
Nagdidilig ng pananim Ating nagiging inumin kung sobra ay nagiging baha kung saan marami ang nasisira
Tingin
Sa tingin ko maganda Sa tingin ko mura Sa tingin ko masama Sa tingin may problema
Kanya kanya ng tingin Kanya kanyang saloobin Mag isip ng malalim At ating intindihin
Tubig
Ang isip ay parang tubig Ang malinis na tubig Nakakatulong sa buhay Nakapagbibigay sigla
Ngunit ang maruming tubig Nakakapagdulot ng sakit Nasisira ang kalooban Na hahantong sa kamatayan
Sisid
Ang daming misteryo Di alam ng tao Dahil sya ay bilanggo Paano matututo
Simulan sa moralidad Dagdagan ng abilidad Matutong magmasid Sa gitna ng utak sumisid
Gera
Akala mo kalamidad Isa palang abilidad Gamit ay teknolohiya May gera na pala
kalikasan ang sandata Upang wasakin isang bansa Mga inosente ay nadadamay Ang daming nawalan ng buhay
Handa ka na ba?
Kay daming nagaganap Mga sakuna at kalamidad Mga digmaan at pagkabuwang Tao'y walang kamuwang muwang
Sino ang magliligtas sa atin Paano natin haharapina Paano mo makakayanan Handa ka na bang lumaban
Kalaban
Pinakamahirap kalaban Hindi ang siga sa kanto O tambay sa tondo Mga palaboy na aso
Di mo kailangan lumayo Dahil ito ay sarili mo Ang iyong mga bisyo At mga kahinaan mo
Kakampi
Sasabihin iyong pagkakamali Hindi sya mag aatubili Sabihin ang totoo Upang ikaw ay magbago
Hindi ka hahadlangan Kung maganda ang hangarin Ika'y susuportahan Tunay na kaibigan
Takipsilim
Bago lumipas ang araw Ang paligid ay kulay dilaw Ang langit ay makulay Katulad ng ating buhay
Bago ka mamaalam Nagagawa mong iparamdam kaligayahan dahil sa kagandahan Ang lahat ay magiging nakaraan
Tiis
Ang kalooban ay mapapalakas Kung ikaw ay magsusumikap Matuto ng kultura Gaya ng tula at musika
Pagsasanay iyong simulan Oras ang iyong puhunan Paghihirap ay tiisin Ito'y matututunan din
Panahon
Ilang taon ang lumipas Panahon na kay bilis Kay daming dapat gawin Kay daming aaralin
Kailan mo matatapos Kailan ka gagaling Kailangang magsumikap Tawirin ang hirap
Alon
Sa panahon ng pagsubok Labanan ang iyong takot Pilitin mong kumalma Kung ayaw mong mapasama
Tuloy lang sa adhikain Kumilos kahit dahan dahan Magugulat ka nalang Nakatawid ka na pala
Pusa v2
Malambot at maliksi Magaling magbalanse Mataas tumalon Pagbagsak nakatayo
Natural na matapang Kahit malaki kalaban Di ka uurungan Lalo sa kagipitan
Pasko
Lahat ay nagdiriwang Lahat ay nagbibigayan Lahat ay nagsasaya Pamilya'y nagsasamasama
Upang gunitahin Araw ng pagsilang Ng ating Panginoon At Tagapagligtas
Move on
Let go of the things Let go of the feelings Let go of the memories Let go of your old self
Then you can be free Free to go on Free to grow up Free to know more
Tao
Mahalin ang Diyos Sa pamamagitan ng tao Ang pagmamahal sa tao Ay pagmamahal sa Diyos
Ang katawan ng tao Ay templo ng Diyos Sya ay nananatili Sa taong may pag-ibig