LIHIM NG KALAWAKAN
Kislap ng mga bituin
Kita lamang sa dilim
Ang asul na langit
Araw naman ang nagbibigay-akit
Sa aking kinamulatan
Dalawa ang mukha ng kalawakan
Araw ang nagbibigay-liwanag
Paghimbing nito, dilim na lumalaganap
Mayroon ka bang makikita
Sa dilim ng kawalan
May nananahan ba
sa kabila ng nasisilayan?
Tumitingala
pag nagdarasal
Humihigit ng lakas
Mula sa maykapal
Kung minsan
Hinahanap ang kapalaran
At pangangailangan
Sa bituin na nakatangan
Anong tulong ang aasahan
Sa kabila ng kalawakan
Ikaw ba'y pagtitiwalaan
Ang laman ng kawalan?
Tao, gisingin mo
ang sariling-kusa
Malalasap mo
tulong ng mga diwata