PAGSUKO
Sabi mo, huwag na kong manalig
sa iba, buhay' giginhawa
Sabi ko naman, aking susubukan
wala namang mawawala.
Sabi mo, kay Bathala ang susi ng
mabuting diwa at gawa.
Sabi ko naman, totoo pala, sa tamang
pagsunod lumilikha ng katuparang
sulit pa sa iyong inaasahan.
Marami nang karanasan at nagsilbing
aral. Bakit di pa rin matimbang ang
tama sa mali?
Maling akala sa sariling paraan
tutugma ano mang nakalaan.
Sabi mo, nasa kamay mo na ang lahat
bakit di mo pa isaalang alang?
Sabi ko naman, di ba ako at ikaw ay iisa?
Tanging pagsuko sa akin ay
magpapalaya.