Bus
Paggising sa umaga
Hinay hinay na bumabangon
Papasok ba o manatili
Isa, dalawa, at kalahating oras
Nagdadalawa’t kalahating isip
Maliligo at pupunta sa terminal
Victory ba, Genesis, o Saulog
Cubao, Avenida, Pasay, Dau o Baguio
Diretso sa trabaho
Pauwi sakay ulit sa Bus
Buhay ay nakapalibot sa Bus
Tsubibo nang tsubibo