Kapatagan
Anyong lupa ng kalikasan
Mga tanim, puno at hayop
Dito sila ay naninirahan
Upang sila ay mabuhay
Siya naman pangunahing
Ating pangangailangan
Palay, gulay at prutas
Sa atin ay bumubuhay
Masustansyang pagkaing
Natural na nag bibigay
Lakas sa ating katawan
Na siya nating kailangan
Sa pang araw-araw
Mga magsasaka
Dito sila ay nabubuhay
Para sa kanilang
Mahal sa buhay
Sila ay huwarang
Magsasaka kaya't sila ay
Huwag husgahan
Na magsasaka lamang
Init at ulan
Kanilang sinusuong
Para sa ating
Pangangailangan
Ang kanilang kasipagan
Hindi mapapantayan
Para maibigay pangangailangan
Para sa ating mga mamamayan
Bilang isang
Mabuting mamayan
Tungkulin natin
Ingatan at alagaan
Ang ating Likas Yaman
Huwag sirain
Para lang
Sa pansariling
Kapakanan
Kaya't nararapat
Lamang pakahalagahan
Ating Likas Yaman
Sa ati'y ibinigay
Ito ay biyaya nang ating
Poong Maykapal
Upang mabuhay
Nang may kalakasan
Kaya't ating pag yamanin
Sa ikakaunlad nang ating
Bayang Sinilangan
Ang Pilipinas nating Mahal!