Ilaw ng tahanan
Unang ika'y isinilang
Inang lumuluha
Sa galak nang
Ikaw ay masilayan
Ikaw ang unang
Yakap at nasilayan
Sa unang pag mulat
Nang mga mata
Sa bawat pag iyak
Inang nag aatubiling
Lumapit upang
Patahanin ka ng
Yakap ng pagmamahal
Sa tuwing gabi
Ikaw ay binabantayan
Sa mga lamok ikaw
Ay hindi pinapadadapuan
Pag aalaga at
Pag aasikaso sa
Tuwing may sakit
Ikaw ay laging andyan
Puyat at pagod
Nang isang ina
Napapawi mo
Sa iyong bawat ngiti
Sa iyong pag tulog
Galak sa tuwa ng isang Ina
Sa tuwing minamasdan ang
Mala anghel mong mukha
Hindi baling Ina
Ang masaktan
Huwag lang ang
Kanyang anak
Katagang laging
Sinasambit
Pagkat ito ay kanyang
Nararamdaman
Lumaki at nag kaisip
Ikaw ang unang guro na
Humubog sa kaisipan
Uma alalay sa bawat
Hakbang paroroonan
Aking ina maaga man
Ang iyong pag lisan
Naging Ilaw ka pa rin
Nang ating tahanan
Salamat sa pag mamahal
Na iyong pinadama
Hindi malilimutan
Sa aking alalala